下載APP
PC開播
聯系客服
Go Those people who's reading This, Walang Problema Kahit single ka. kung Hindi pa talaga Ready yung taong gusto mong makasama Sa Buhay mo. Una hindi naman yun qualification sa trabaho, hindi mo din yun ikaka promote sa work mo Wag kang magmadali.  Wag mo ipa raffle ang sarili mo na akala mo wala nang darating na tao. May nakalaan para sayo, kaya wag mong ibaba ang pagkatao mo. Hindi din yan nakakabobo, isipin mo na lang sine save mo yung pinaka importanteng lugar sa puso mo para sa taong makikita ang tunay na halaga mo. Wag magmadali, diba nga It's always worth the wait" parati. Ikaw muna ngayon bago ang iba. Mas maganda diba kung maga antay kesa bigyan mo lahat yung mga maling tao ng lisensya para saktan ka. Yung Ilang beses kang madudurog dahil mali ka na naman Mag isip ka muna, wala ka naman sa marathon. Wlang paramihan at walang paunahan. Slowly but surely parati, para iwas pagsisisi. Hindi dapat naka depende ang kaligayahan mo sa ibang tao. Mahalin mo muna ang sarili mo. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin, Gawin mong makabuluhan at masaya ang buhay. Respect and take yourself seriously. Madalas kasi kung sino pa yung jowang jowa sila pa yung madalas na nagsasabing " walang forever". Hindi naman kasi maganda kung pasok ka nang pasok sa relasyon tapos ginawa mo nang trial and error. Bakit? Dahil binibigyan mo nang pagkakataon ang ibang tao na itake advantage ka dahil pinapaalam mo na no choice ka na.. Minsan hindi ka sineseryoso dahil ikaw mismo di mo magawang i respeto ang sarili mo. Kung paano mo itrato ang sarili mo ganyan ka din tatratuhin ng iba. Hindi ka na pa bata. May isip ka na, na pwedeng gumana, at may puso ka na madudurog kapag iniwanan ka na naman nila. Tapos kapag nasira ang buhay mo isisisi mo sa iba. Naniniwala ako na bago ka pumasok sa relasyon, buo at kumpleto ka. Hindi ako nagpapaniwala sa "You complete me. Mula sa pagiging mag isa, pinili niyong pumasok sa relasyon, dalawang tao na piniling magkasama para sumaya. Piliin mo yung taong gusto mong makasama sa buhay hindi yung gusto mong makasama dahil  hindi ka mabubuhay ng wala siya. Sabi nga nila kung hindi pa talaga ready yung Taong mahal mo.. Okay lang mag isa muna kesa naman "in a relationship" ka nga hindi ka naman maligaya. Nasa relasyon ka nga pero wala ka namang peace of mind at puro sama ng loob lang nakukuha mo at parati ka na lang umiiyak. Wala din kwenta. Tandaanmo to: You are Awesome, Strong and Independent. Hindi mo  kailangan ng ibang tao para ipaalala yan sayo.
22
0
4
評論
發送
暂无评论